Por da pers taym… problema in tagalog

ahahahah! Oo, for the the first time, magtatagalog ako dito sa blog ko. Nahihirapan na kasi ako sa pagsabi ng mga nararamdaman ko in English. Heheh, sori, hindi talaga ako fluent sa englsih kaya, talagang delikado ako sa papasukan kong kolehiyo. So, sasabihin ko sa tagalog yung mga nangyayari sa akin ngayon.

Sa mga nangyayari ngayon, me isa kasing taong gusto kong maayos yung problema within samen o kaya sa mga kaibigan nya. I actually failed. Kung tutuusin, ilang beses na akong sinasabihan na wag ko na ituloy and everything, pero I really have a good intention with it. Gumawa ako ng galaw, kwento ko sayo… There’s was one time na nag online yung taong yun and I asked kung naiilang sya sakin, and I asked her kung naiilang kung nasa paligid ako or is there any problem around. Na-mis interpret nila yon. Iniisip nila na feeling ako, iniisip nila na INIISIP ko na me crush sha saken… Um, ganon ba ako kadumi? Kala siguro nila di ko narinig, hahaha. And then kinwento nitong babaeng to sa kaibigan nya at nag react pa na parang nandidiri, tapos, “weh???” Aba, tignan mo naman o, gusto mo na nga makipag ayos, pagtatawanan pa nila. Sa mga nagdaan na araw, buwan tiniis ko lahat iyon at eto, tinatry lang makipagkaibigan ha, pero pinagtawanan lang nila yon, niloko pa ako, haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!! NAPAKAPLASTIK nila. Feeling superior dahil mukha ba akong nanliligaw. At this point, tinigil ko na lahat yon. Kahit me nagbigay sa akin ng papel na me nakasulat na “It’s a risk to love. What if it doesn’t work? Ah, what if it does…” nawalan na ako ng gana. Sumobra na sila, kung tutuusin, tapos napaka-feeling. Kung iniisip nila na feeling ako dahil iniisip kong me crush ang isang tao sa akin, mas feeling sila dahil hindi nila ako kilala ng lubusan. Sayang talga, biruin mo, humingi pa ako ng tulong at lahat upang malaman kung ano ang mga dapat gagawin. Kaso walang epekto, kaya dun sa mga hiningan ko ng tulong, sorry talaga. Ayaw nilang maniwala, pinagtawanan pa nila. Totoo nga yung mga nasabi ko sayo, Manfred,bakit isasagasa mo yung Ferrari F430 mo sa isang deretsong daan kung alam mong me sementadong barikada ng MMDA sa dulo… Hay. tanong: pano kung mabasa nila to? Edi mabasa nila, mas mabuti yon para malaman nila pinaggagagawa nila sa mga tao, maski kilala nila o hinde. Para na rin malaman nila kung gaano na karami ang grasa at kadugyutan ng mukha nila sa mata ng mga nasa paligid nila. Goodnight! ay, hindi, Magandang gabi!

1 Response to “Por da pers taym… problema in tagalog”


  1. 1 Selah March 8, 2007 at 3:24 pm

    Haay, what’s with LOVE!?

    Umayos-ayos nga yang love na yan! Wa-ha-ha..


Leave a comment




LifeDrive 2009

March 2007
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Categories

Pit lane

  • 235,299 stops

Top Clicks

  • None